
Mabibilang lang marahil sa daliri ang tao lalo na ang mga kabataang walang social media account. Sa kasalukuyan karamihan ng tao ay gumagamit ng internet at may iba’t ibang social media account, maging ang mga lolo at lola ay kabilang na rin sa mga netizen na sumasali sa social media life. Sa patuloy na pag-usbong ng modernisasyon, nagbabago ang paraan ng komunikasyon at pagkalap ng balita at kaalaman. Sa pagbago ng panahon at pagdating ng makabagong teknolohiyang pangkomunikasyon na social media at intenet namulat ang isipan ng mga mag aaral sa makabagong paraan na ito patungo sa magandang kinabukasan.

Ang internet ay nagmula sa dalawang salita na inter at networking na isang makabagong paraan ng pag katuto at malawakang daluyan ng kaalaman. Samantalang, ang Social media naman ay isang sistema ng pakikipag ugnayan sa mga tao na kung saan ay sila ang lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon o ideya sa isang virtual na komunidad at network. Sa madaling salita parehas lang ang ipinapahayag ng dalawang sistema na ito. Parehas silang nagsisilbing daan upang mas umayos ang mga bagay na ating nakasanayan at mas maging malawak ang sakop ng kaalaman.
Media: NOON AT NGAYON
Noon, simpleng pamumuhay ang makikita sa tao. Sa lahat ng bagay sila’y nakuntento. Ang paghahanap ng impormasyon ay nakukuha lang sa mga dyaryo, radio, magasin atbp. Ang paghahatid din ng mensahe ay kakaiba pa noon. Kailangan pa nila pumunta ng post office para maihatid ang sulat na gusto nila ibigay. Inaabot ng ilang araw, linggo, buwan depende kung gaano kalayo ang iyong papadalhan. Noon, uso ang mga payphone para kausapin ang gusto mong makausap na kahit saan ka magpunta ay makakakita ka ng ganon.
Sa pagusbong ng makabagong teknolohiya ngayon, makikita talaga natin ang laki ng pagbabago sa paraan ng pagkalap ng kaalaman o impormasyon at pagkomunika sa mga tao. Kapag nagpunta ka sa isang lugar, WiFi agad ang una mong hinahanap. Isang pindot lamang kasi ay maaari mo ng makuha ang nais mong malaman sa isang personalidad, bagay, lugar atbp. Ang pagbabagong ito ay naging mahalagang papel sa mga magaaral na kinakailangan ng datos, opinyon upang maging basehan sa akademikong pangangailangan. Mas mabilis din ang transaksiyon ng mensahe, di tulad noon. Sa panahon ngayon, puro “instant” na ang mga bagay bagay.
Epekto ng Social Media sa kabataan
Ang patuloy na pagusbong ng social media ay may maganda at di magandang naidudulot saatin. Gamit ang mga ito gaya ng facebook, twitter, youtube, instagram atbp. Marami ka nang pwedeng gawin dito. Pwede kang magpost at magshare ng saloobin sa iyong sariling page pati na rin sa mga group page. Nagagamit din ito sa pangakademikong pangangailangan. Madali mong makikita ang mga news feed ng inyong paaralan upang malaman ang mga kasalukuyang pangyayari at mas madali mong makakausap ang mga guro at kapwa kamag-aral via messenger. Dahil moderno na ang panahon ngayon, ang internet ay may malaking naitulong sa mga mag-aaral dahil sa internet napapabilis ang pagkalap ng mga impormasyon na walang kahirap-hirap at pwede ng masagutan ng mga estudyante ang kanilang mahihirap na takdang aralin, at sa isang pindot lang lalabas na agad ang lahat ng mga impormasyon na iyong kailangan. Pwede na rin silang magbasa ng mga basahin kagaya ng balita, aklat at iba pa na hindi na kailangan pang pumunta sa isang silid-aklatan para lang kumuha ng mga impormasyon at isa pa mas mapapabilis ang pagkatuto at maunawaan ng mga mag aaral ang paksang itinalakay ng kanilang guro. Nakakatulong din ang social media kagaya ng facebook, twitter, google, instagram at iba pa dahil dito kahit na malayo ka sa iyong mga kaklase pwede kayong mga group online study o kaya magtanong sa iyong guro tungkol sa paksang hindi mo lubos na naiintindihan.

Sa panahon ngyn, karamihan ng mga kabataan ay masyadong bukas sa social media. Minsan nasasabi nila ang mga hindi na dapat nila sabihin sa kahit sino tao mapulitiko man, kaibigan o katunggali. Ilan sa mga sekreto na tila hindi dapat ikinakalat sa mga social media. Nawawalan na sila ng mga privacy at ng personal space. May mga pangyayari dn na hindi na nila kakilala at biglang sinabi na gustong magkita, na lalo ikapapahamak ng mga kabataan.
Mapapansin din na halos di na lumalabas ang mga kabataan para maglaro ng mga larong kalye tulad ng patintero, batong bata, tumbang lata, at iba pa.
Nakakaapekto rin ito sa pag – aaral. Kapag masyadong maraming oras ang inilaan sa social media, maaaring nakakalimutan na ang mag – aral.
Kapag hindi ito tinutukan ng mga magulang ay palagi na lamang ganito ang buhay ng mga bata. Kaya dapat maging strikto ang mga magulang sa pag – didisiplina ng mga anak.
Pero sa huli, palagay ko na ang balanseng paggamit ng social media ay mabuti pa rin. Ang masasamang epekto nito ay maiiwasan kung may sapat na patnubay ng mga magulang ang mga kabataan na gumagamit nito, at gayun na din dapat may sapat na kontrol at responsibilidad sa sarili.
